Nakababaldadong Kalungkutan

Ayan na naman siya.

Nananahimik ako. Kanina masaya naman ako. Okay naman ako. Kuntento naman ako. Pero katahimikan ang biglang hihila sa ‘kin pababa.

May iba na sinasabing, “Baka hindi ‘to mag-work out.” Pero nagwo-work out.

Sa kaso ko, kahit anong perspective ko, kahit anong optimism, ang resulta, hindi nagwo-work out. Siguro once lang nangyari na masasabi kong “successful” ang isang bagay na naaayon sa standards ko? Minsan nakakawala ng pag-asa. Nahihila ako pababa. Pero ako rin lang naman ang maghihila sa sarili ko pataas. Wala namang iba.

Pinagdududahan ko na naman ang sarili ko.

Pero ewan. Ikakain ko na lang ‘to ng maanghang.

Kaya mo ‘yan. Kayanin mo as usual. Ibuntonghininga mo na lang tapos larga na. Iyak tapos ngiti. Di nila puwedeng makitang mahina ka kasi ayaw mong gano’n ka matandaan, di ba? Malapit ka na pala magtrenta. Akala ko ba, sabi mo, pag thirty, wala na? Pero ngayon, gusto mong kumapit? Labo mo.