Kapagod, Pero Lalaban

I’m not convinced that our country is ready. Bingi naman lagi ang nasa taas. They have been criticized for handling the pandemic badly, pero wala. Bingi. Everytime na lalabas ako para lang mag-grocery, nag-aalala ako para sa sarili ko.

Again and again, nanghihinayang ako how the country could have used our archipelagic advantage. But what are their solutions? Tourism tapos nang dumami ang cases biglang quarantine so walang epek din ang tourism eme nila? Hatid probinsiya program kaya mas dumami ang cases sa provinces? And now he promises 30,000 pesos for 33,000 college-level students who are children OFWs. So okay ‘to since tulong ito para sa OFWs who have been affected by the pandemic. Pero dahil si Duterte ito, bigla kang napapaisip ng intensiyon niya. Biglang may pa-ganyan siya, e, ni mass testing hindi magawa nang tama. Ano ba ‘to, suhol? Propaganda? Nani?

Minsan talaga, kapag nawala na ang tiwala, lahat ng intensiyon, kukuwestiyunin mo na.

And now they are pushing for the “designated survivor” bill, which basically assigns an important government post to senior government officials kahit may bise presidente naman. Sobrang threatened ba sila sa good governance ni Leni? And why all of a sudden? Is there something we don’t know?

Utang na loob naman kasi. At least man lang 40 to 50 years old sana ang presidente. Hindi ‘yong senior na. I mean, look at him at 70 years old, making unsound decisions and spatting nonsense on national TV, making our neighboring countries question . . . Bakit n’yo siya binoto? And don’t even try me with “Si Tatay nga sobrang passionate about his work na nandiyan pa siya sa pusisyon na ‘yan at 70.” ARE YOU MAKING SENSE, DUDE? Kung may lolo ka, gusto mo talaga siya pagtrabahuin? Oo, pero light jobs lang, o ‘yong tipong sa bahay, para hindi kumunat ang buto at hindi maging makakalimutin. Pero itong kapakanan talaga ng ibang bansa, iaasa mo sa lolo mo?

Yawa.

Sa totoo lang, he made the previous presidents heaven-sent. Napasabi na lang ako na “At least si Erap nag-resign no’ng nahuli.” Sad, bhie.

Anyway, gusto ko lang sabihin na saludo ako sa mga naglalatag ng opinion nila sa Facebook, not on Twitter. Haha! Grabe. Kahit papaano, 90% of what I see on Twitter is aligned with my beliefs. But on Facebook? Around 50%. When I lurk on the comments, it becomes 10%. Mag-click lang ako sa kahit anong post ng media outlets, nawawala na peace of mind ko. (At isang beses lang ako mag-log in, at sa stan account ko pa!) Pero naisip ko, kung katulad ko mag-isip lahat ng nasa Twitter, that is, “Dito na lang ako sa Twitter kasi ibang mundo ang Facebook,” sinong nando’n para magpakalat ng tamang impormasyon?

Share ko lang na may kilala akong flat Earther na Duterte fanatic. Combo. And his arguments come from blogs on Facebook and conspiracy theories on YouTube. Pero kahit anong argument mo, he’ll stick with that. As in. Hindi ito troll, ha? Kasi kapag troll, you know you should ignore them para wala silang kitain. Pero itong mga ganito? Minsan di ko na alam. They talk to you and argue about a topic to feel that they are smarter than you, to boast “Walang nasagot ‘yong isang taga-[name of university] sa ‘kin.” Papagurin ka nila hanggang sa sabihin mo na lang na “I’ll ignore you for my peace of mind.” TBH, sumuko na ako sa kanya. Changing his beliefs, kung possible man, wouldn’t be very soon.

Mapapaisip ka na lang bakit may mga gano’ng tao. Kailangan ko ng divine intervention sa mga ganito kasi hindi ko talaga maintindihan.

Anyway, until now, napapaisip pa rin ako. Sabi nila, “Choose your battles.” At siguro, marami na ring sumuko about voicing out their opinions. Dahil sa totoo lang, mukha naman na talagang walang pag-asa because this government made us feel that way. Na magkanya-kanya na lang tayo: own peace of mind, kasi iyon lang naman kaya nating baguhin. Which is true. These people have chosen their battles for their own peace of mind, at okay lang. That’s their choice. May iba-iba naman tayong pilosopiya sa buhay, and that philosophy will also be molded by what you allow yourself to be influenced with.

Pero sa totoo lang, favorite kind of people ko ‘yong mga kayang mag-cope with the situation but still has a way to empathize with people who are having a hard time dealing with the situation. For example, si Aly (Alyloony). Cute niya haha! Sobrang fangirl niya para kay Jae on Twitter, tapos she’s still writing fiction, but she never stopped voicing out what she thinks should be corrected. Sobrang cute niya. Goal ko talaga maging gano’n ka-passionate.

Anyway, it has come to this point that I’m tired. Na feeling ko hihintayin ko na lang mag-2022 until all of this is over. Pero there are in-betweens, at alam kong hindi lang lang ako puwedeng maghintay hanggang 2022 election. So . . . laban lang. My point still stands: Please lang, resign na, Duterte.

 

 

 

 

 

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.