Ang dami ko na namang gusto gawin sa buhay.
Gusto ko matuto ulit sumayaw. Tipong gagawa ako ng interpretative dance ng “killing boys” ni Halsey tapos magpapapansin ako sa kanya.
Gusto ko kumanta at maggitara at irekord ang mga ginawa kong kanta. Pinakinggan ko ‘yong isa no’ng isang araw. Lumaki pala ang boses ko? Haha, oo, lumaki na ‘to sa lagay na ‘to.
Gusto ko mag-model-modelan. Alam ko namang hindi ako model figure, pero bakit ba? Lately lang ako nawalan ng pake sa physical appearance ko, well, slight. Tapos ang dami kong nasa isip na gawing pose.
Gusto ko rin matuto mag-flat lay. Sobrang gagaling magflat lay ng mga tao. Excited ako bumili ng mga brown shiz na ginagamit ng Lathala Press hahaha. Saan kaya ‘yon, Papemelroti? Ewan, hanap na lang. Masarap din naman mag-shopping.
Gusto ko magsulat. Magsulat nang magsulat hanggang sa ubos na ang mga ideya sa utak ko. Pero natapos ko na ang TEOCBATDDOAM, at medyo sad kasi ang kaunti lang ng nakakabasa (for beta reading pa lang kasi) so hindi ako makakilig over their comments. May dalawa pang gxg stories at HEA stories in line. Magagawa ko kaya lahat ‘to?
Gusto ko magbasa. May binabasa akong mga bagong istorya sa Wattpad ngayon. Iyong isa, medyo seryoso. Iyong isa, naaalala ko kung paano ako sumulat dati. Haha! Ang cute (may mga emoticon pa). Pero one chapter a day lang puwede or else wala na naman ako magagawa.
Gusto ko mag-drawing. Ang dami kong konsepto tungkol sa Matatakutin series ko. Gusto ko na bumili ng notebook na walang linya haha (at hindi ko na gagawing pang-solve ng trigonometric identities during free time, promise). Pero c’mon, pahinging talent.
Gusto ko magpaka-fangirl sa mga artists na fina-follow ko sa Twitter. Like total fan girl. Lately, bumibili ako ng artworks. Sobrang crush ko talaga lahat ng artists. Feeling ko sa next Komiket tapos makikita ko silang lahat, sasabog ako.
Gumawa rin ako ng alter Twitter account para sa makalat na ako because why not. Sobrang dami kong persona na gusto gampanan, na minsan, hindi ko na alam kung sino ang tunay ako.
Pero ito siguro talaga ang tunay ako—’yong maraming gusto gawin. Kulang ang 24 oras, kasi may editing work pa ako sa isang textbook.
Minsan it gets overwhelming. Pero hindi ko pa rin maiwasan ma-excite.
At sa mga taas-baba-taas episodes na ‘to, excited na rin ako magpa-appoint sa therapist. Gaano ko kaya katagal mapapanatili ang state na ‘to bago ako bumagsak ulit?
⊂(・﹏・⊂)
looking forward for more works ate! take your time for now :) ♥️
LikeLike
Ate Peach Can! Excited na makita po lahat ng gagawin niyo. ^_^
LikeLike