Libre naman kasi ang Earth, kaya minsan nagtataka talaga ako kung bakit kailangan magbayad ng lupa para may titirhan para mabuhay . . . at may paglalagyan ka kapag namatay ka na.
Mapapaisip ka talaga hanggang sa unti-unti mo na lang matatanggap na “gano’n na kasi talaga noon pa.”
Pero kahit pinili mo e cremation, gano’n pa rin naman ang mangyayari. Kung gusto mo paglamayan ka muna bago ka i-cremate, magbabayad ka rin para sa kabaong, lugar, etc. Sabagay, choice rin naman natin ’yon. Iyon nga lang, kung ayaw mo magpa-cremate at gusto mo talaga ilibing yung buong katawan mo sa lupa, kailangan mo talaga magbayad ng lupa sa sementeryo. At para hindi na ma-stress yung pamilya mo, asikasuhin mo na habang buhay ka pa.
Tanong lang, biodegradable ba ang mga kabaong?
At dahil nag-research ako habang sinusulat ko ’to, alam n’yo ba na tatagal ng dekada bago ma-decompose ang katawan at yung kabaong (dahil, oo nga pala, sa kahoy nga pala gawa ’yon). At ilang dekada pa kung maganda-ganda yung kabaong mo. Pinakamabilis yata na pagde-decompose ay kung nakalantad talaga, pero siyempre, mangangamoy ’yon.
Kaya gusto ko talaga, cremation lang gagastusin. At wala ng jar. Gawin n’yo na lang agad na pataba sa lupa yung abo ko. Punta na lang kayo sa bahay para sa isang maikling audio-visual presentation at kainan (please pasama ng california maki, cookies and cream ice cream, at salmon para, malay n’yo, makasali ako). Ayoko rin naman makita ng mga tao yung stressed at naninigas kong mukha. Kita kaya pores. Wala ng glass-skin care routine para sa mga patay, at parang ayoko maalala ako na gano’n.
Hindi ko naisip kung anong gagawin nila sa katawan ko kapag deads na me. Ngayon iisipin ko na 😅
LikeLike