Bagong Pet Peeve, Salubong ng 2020

Naging pet peeve ko na yung tweets na song lyrics pala ta’s walang proper citation o musical note man lang para alam kong kanta pala. Di ko alam kung bakit. Hindi ko naman ikamamatay kung pinili ng tao na hindi ilagay yung source, di ba? Isa pa, waste of characters. Pero . . .

Ewan. Siguro kaparehas na epekto ‘to kapag nakikita ko yung mga linya na galing sa mga nobela ko sa mga Facebook group tapos wala man lang credit. Na parang sa kanila galing yung ideya.

May trust issues na tuloy ako sa quotable quotes sa soc-med sites at napapa-research ako kung linya ba ‘yon sa isang kanta. Hindi ba mas maganda kung naka-link man lang yung kanta mula sa Spotify? O kaya naka-tag yung artist? O nakalagay kung ano yung kanta at kung sino yung kumanta? Oportunidad na rin ‘to para mas makilala yung artist.

Wala, baka lang gamitin ninyo sa ‘kin yung “Let people enjoy things” na meme at sabihing napaka-technical ko. Haha. May rason naman ako, at sabi ko nga, sarili kong pet peeve ‘to. Mas naiinis nga ako sa ganito nitong mga nakaraan kaysa sa dati kong numero unong pet peeve na pagtawid sa tamang tawiran (dahil may nagpaintindi sa ‘kin na hindi lahat ay “afford” ma-late at bulok talaga sistema ng trapiko sa Pilipinas).

4 thoughts on “Bagong Pet Peeve, Salubong ng 2020

    1. Hahaha! Recent pet peeve ko lang ito, lalo na kapag medyo hindi pa nagblu-bloom yung artist tapos pino-post yung lyrics ng kanta (tapos alam ko pa) pero walang credit. Sayang lang yung opportunity na makilala siya, ganern. Good practice din, na parang “give credit where credit is due.” ;)

      Liked by 1 person

      1. Magtu-tweet kasi ako ng lyrics kanina, as in lyrics lang ganern. Tas bigla ko nakita yung tweet mo. I changed my mind. WAHAHAHAHA. Pero magkalagay na ko talaga 🤗🤗 YOUR POWER!!! 😂😂

        Like

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.