“Whatever Happened to You?”

These days, I frequently ask myself, “Are you okay?” and “Whatever happened to you?” I think of joining my mother, wherever she is, as this lack of purpose overshadows everyone and everything. Not even the words of encouragement from my peers and loved ones could enlighten me.

Bakit ba pabalik-balik na lang ‘to? Nakakapagod. Pagod na ako.

Do you know the very thing that makes me want to exist? Writing. The stories I am currently working on and those that I haven’t written yet. The songs I wish to remaster. The places I have listed on my to-go list to blog about. I have used this excuse for years now: “Sayang naman yung mga puwede ko pang isulat.” 

But maybe I have reached my point when I whispered to myself, “Di mo naman malalaman kung maaalala ka nila. Di mo naman madadala ‘yang sinulat mo kapag nawala ka. Sino ka ba?”

2 thoughts on ““Whatever Happened to You?”

  1. Uhm . . . hindi po ako magaling mag comfort ng tao at hindi ko rin naman alam kung gusto mong makarinig o baka gusto mo lang ng makikinig sa’yo. So baka magkwento na lang din ako? Hehe.

    Alam mo naman po na sobrang dami kong nabasa (at binabasa) na stories. Ang sipag ko sa paningin ng lahat. Kapag nawawalan ako ng gana magbasa, kailangan nanunuod ako. Basta dapat busy ako kasi kung hindi, lilipad na naman yung utak ko. 2017-2018, darker days ko yan. Wala kasi akong mahanap na trabaho. Di kasi ako magaling sa interviews. Kapag galing ako sa interview, tinatanong nila kung kumusta ba. Sabi ko, ganun pa rin. Sanay naman na ko ma-reject. Tapos tinatawanan ko lang sila. Pero sa totoo lang, kada labas ko ng building, umiiyak talaga ako.

    Kulang daw ako sa dasal, sa simba. Kaya kinumpleto ko yung simbang gabi dito sa Dubai. First time ko yun, achievement. Kaso nakarinig naman ako ng wag puro dasal. Naguluhan na ko eh. Maraming gago pero may trabaho. Bakit ako wala? Bago matulog, sabi ko kay Lord na okay lang kahit hindi na ko magising kinabukasan. Wala naman akong ambag sa lipunan eh. Diba si Mei ng Siya? Parehas kami kung bakit ayaw namin mag-commit ng suicide. Gusto ko mang itanggi pero parehas kaming narcissist (hehehe). Kaya inaantay ko na lang talaga kung kelangan ako hindi magigising. Minsan natatakot din ako. Baka kasi kahit sa huling sandali, maging pabigat pa rin ako. (Saka may mga utang pa ko! Kailangan kong magbayad!)

    Na-realize kong hindi kawalan ng trabaho yung dahilan kung bakit ako ganito mag-isip. May napanuod ako sa KMJS. Hindi s’ya makalakad tas binubuhat s’ya ng Mama n’ya araw-araw kapag papasok sa school. Pangarap n’ya makapagtapos ng high school kasama Mama n’ya. Nainggit ako sa kan’ya kasi s’ya, may pangarap. Ako, wala. I mean . . . never kong pinangarap na grumaduate. Ginusto kong grumaduate kasi kailangan. Kaya naiinggit ako sa mga taong alam nila kung ano yung gusto nila sa buhay. Gusto ko lang din naman mabuhay . . .

    Naalala ko pinapakuha ako ni Ate ng insurance plan. Pwede ko raw makuha after 10 years. Sa isip-isip ko, hindi ko pa nga alam kung buhay pa ko after 10 years eh. Hindi ko na sinabi kasi drama na naman. Hehe. Err . . . hala ang haba na pala ng chika ko! Di naman MMK-worthy 😅 Pero ayun nga, share ko lang. Kapag may ganito akong drama sa buhay, hindi ko bet makarinig ng comforting words galing sa family and friends ko. Parang imbes na ma-comfort ako, lalo lang akong nasasaktan? Ang gulo ba? Hehe.

    Halaaaa haba na talaga sorry sa abala 😣 Gusto ko pong tanungin kung okay ka lang ba kaso alam ko namang hindi . . . pero sana okay ka . . . at kaya natin ‘to. 548, Ate! 🍑

    Liked by 1 person

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.