Pagbagsak at Pagbangon

Pagkagising ko ay agad kong naalala ang panaginip ko tungkol sa apoy. Malinaw sa aking isipan na may mga tinatapong tao sa malaking apoy.

Naisip ko, baka nananaginip na ako ng impyerno dahil nababagabag ako nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho. Natatawang sinabi ko ito sa aking kasama sa kwarto hanggang sa ibinalita niya sa akin ang nasunog na Faculty Center.

Tumayo ang balahibo ko. Ngunit isinantabi ko iyon dahil nag-alala ako sa kalagayan ng aming mga reviewer na propesor sa UP CAL.

Ramdam ko ang panghihinayang sa boses ng isa sa mga propesor nang tumawag siya sa akin kaninang umaga. Pati na rin ang lungkot sa mga mata ng isa pang propesor na pinilit makapunta sa oryentasyon para may kinatawan ang mga natawagan kong magsusuri sana ng mga libro sa DepEd. Ang nasabi ko na lang, “Sorry to hear the news, sir.”

Hindi ko alam ang buong detalye ng pangyayari ngunit alam ko na maraming mahahalagang papeles na pinaghirapan ng ilang taon ang nawala dahil sa sunog. Tanging dasal ko na lamang ay ang mabilis na pagbangon ng lahat ng direktang naapektuhan ng pangyayaring ito.

Sana nga ay isa lamang itong April Fools’ Day joke. Sa kinasamaang palad, hindi ito panaginip.

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.