Dahil Bata Pa Ako

IMG_20150213_175235

Ako: (reads letter with ‘To: Mom Jessa’) Kenli, ‘ma’am’, hindi ‘mom’.
Kenli: Bakit, ikalawang ina naman kita ah?

***

Ako: (says goodbye to Teacher Gian) Bye, cher!
Krizia: Bakit ganon? Dati pinagbabawal mo kami mag ‘cher’ kasi di ka upuan, pero ngayon tawag mo na kay Teacher Gian, ‘cher’?

***

Ako: O, ice cream. Yung 10 o yung 20?
Marjoy: Pugo, teacher, dos lang.
Lexxina: Yung 10 lang ako, cher. Mahal nung 20.

***

Kenli: Ikaw na ang pinaka pinaka the best best teacher!

***

Alyssa: Teacher sabi ni Kenli ex daw niya ko! Grabe. Binasted ko nga siya, tapos ex? Ano kaya ‘yon.
Ako: Ay nako, mag-aral muna.
Krizia: Oo nga! Si teacher nga matanda na nung nagka boyfriend!

***

My kids saw an American kid and shamelessly went to the table beside him and stared at him…

***

Kenli: Gusto ko na nga mag-layas sa bahay eh.
Ako: Ay, wag ganon.
Kenli: Paano, natapakan ko lang kapatid ko, di ko naman tinapakan, hinampas ako ng kahoy kaagad.

***

Krizia: Hala! May date ka nung isang araw, date kahapon, date ngayon… Date ulit bukas?!

***

Kenli: Wag ka na umalis…
Alyssa: Bibisita naman si Teacher, di’ba, Teacher?
Ako: (a little teary eyed)

***

Kenli: Paano na yan, sa susunod may ibang 3-Dela Cruz ka na?
Lexxina: Hindi naman lahat ng school may 3-Dela Cruz!
Kenli: Di pwede! Bawal! Kami lang anak mo!
Alyssa: Mas nauna na kaya sa ‘tin! Diba ‘cher? Yung matatanda?
Ako: Oo, yung mga college. Gagraduate na nga sila eh.
Kenli: Eh di bunso kami!

IMG_20150213_183252

Maaalala niyo pa kaya ako matapos ang ilang taon? Dahil ako, hindi ko makakalimutan na sa linggo ng ika-24 kong taon, kayo lang yung magandang nangyari.

One thought on “Dahil Bata Pa Ako

What are your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.